"Ebi Fry" or Fried Shrimp recipe -Hugot way

Mga bes, today I'm going to share a recipe of "ebi fry" in a hugot way. Here we go!

First, of course the Ingredients:



  • ang pinaka mahalaga sa lahat ng importante, ang SHRIMPS bes. KASI DIBA? fried shrimp.hello?
  • SALT & PEPPER pampalasa yan bes, di pwedeng wala yan
  • FLOUR kahit anong flour lang bes, kahit yung nabibili mo lang sa tindahan
  • BREADCRUMBS try mo maghanap sa supermarket bes, mas maganda kasi pang ebi fry talaga. Pero kung wala naman talaga kahit ano nalang. hirap sayo ayaw mong mag effort eh
  • EGGS kung malaki yung itlog niya, pwede na ang isa bes, pero aminin mo maliliit diba? kaya dalawahin mo na. wag kang in denial
  • OIL marami ka nito, try mo yung galing sa mukha mo. haha joke lang, kahit anong mantika basta pamprito.
Procedure na tayo mga bes:



Balatan ang Hipon. oo! tama balatan mo na siya bes, tapos wag mong kalimutan, iwan mo yung buntot. Kasi diba? yan naman gusto mo, yung buntot siya ng buntot sayo!



Hugasan ang Hipon. hinuhugasan talaga yan bes. Iyong sayo kasi di mo hinuhugasan kaya nangangamoy! yan tuloy naghanap ng iba. o sige na, hugasan mo ng mabuti bes ha..



Ihalo ang Harina at Salt&Pepper. tama tama lang ang paglagay ng asin at paminta bes, wag masyadong marami baka mamaya di na yan sasarap, maghahanap na naman yan ng iba.




Ihalo ang Harina at Hipon. ilalagay mo lang sila sa isang bowl, walang maraming kemeh. ganyan lang bes tapos alog alogin mo hanggang sa magising siya sa katotohanan.


Ganito dapat itsura niya pagkatapos bes.


Haloin ang Itlog. oo bes! yung dalawang maliliit niyang itlog ihalo mo yun tapos timplahan mo ah. yung parang mag iiscrambled egg ka.


Set up. Tapos ganito dapat magiging set up mo pagkatapos bes. oo sundin mo yan, maging sunud sunoran ka hanggang sa magmukha ka ng tanga.


Egg wash the Hipon bes.


Lagyan ng Breadcrumbs. kailangan balot na balot yan bes, kung hindi, di magiging crispy yan mamaya.



The frying pan with Mantika. habang hinahanda mo yung mga hipon, kailangan isalang mo na rin yung frying pan mo bes, medium heat lang! wag masyadong mainit, kaya kayo nag aaway lagi eh.

iPrito na ang mga Hipon. ayan! ipiprito mo na sila ngayon. Tapos bantayan mong maigi ha? huwag yung kung saan saan ka tumitingin. Sensitive yan. Mga 3 minutes lang antay mo niyan
Pwede ring hinaan ang apoy nang matansya mo ang pagkaluto niya, tapos icheck mo yung sides, bali baliktarin mo. Magaling ka naman diyan diba? lagi mo siyang chinecheck, duda ka ng duda.


The Result. pag ganito na kulay niya, perfect na yan bes! tanggalin mo na from  the pan tapos ilalagay mo sila ngayon sa tissue para ma-absorb yung mantika. Tapos ihahain mo na sa kanya.

O ayan na! may Ebi Fry ka na. Madali lang diba? Magluto ka rin para sa kanya. Wag yung lagi mo siyang pinapagastos, punta sa mga mamahaling japanese retaurants. Ganyan lang naman kadali yan.
Tapos ipapatikim mo na sa kanya ngayon yan bes, tas tingnan natin kung maghahanap pa ba yan ng iba. HAHA



note: Itong recipe ko pinaka simple way lang of making fried shrimp, ganito ko lang siya ginagawa sa bahay pero for me perfect na siya. Mas masarap pa nga minsan kaysa sa mga restaurants eh. Try niyo rin! 

You can post Positive or negative comments, I'll accept it :) Then suggest na rin kayo ng next Recipe na ipopost ko.

Comments